Sa 2000s ang daming bandang lumabas at sumikat, kinain ko lahat. Cguro dahil teenager ako nun, very impressionable, pinaka susceptible. 2010s, adulting na ako, nakapagtapos ng MUSIC degree, nag masters pa, mga Bach to Berlioz to Bernstein na yung mga kinain ko. Feel ko na miss out ko yung OPM sa 2010s, aware ako sa ilang names pero in a transient level lang.
Sino ba ang mga banda/artists sa 2010s na maituturing nakapag-define sa decade in the same way na na define ng Sandwich, Kamikazee, Bamboo, Sugarfree, Rivermaya, et al, ang 2000s?
Lahat ng nabanggit ay umabot ng nationwide renown talaga, hindi lang sa mga kanya-kanyang niche. Ang daming magagaling ngayon pero feel ko hindi talaga ganon ka layo ang reach like before. Ako lang ba? Or did i miss out on the 2010s music? Or kanya-kanyang bakod na talaga?